Aking Guro, Aking Kasangga
Hindi lahat ay nakaka-alala
sa ating mga pangalawang ina sa paaralan. Hindi lahat ay naiintindihan ang
hirap at pagod na pinagdadaanan ng mga guro. Ngunit, may mga nakaka-alala, may
nakakaintindi at may nagmamahal sa kanila, kaya sila binigyan pagkilala at
pag-pupugay taon-taon.
Ipinagdiriwang ang buwan ng
mga guro taon-taon tuwing sasapit ang Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 hindi
lahat ay nakaka-alala o may pakialam sa pagdiriwang ito. Ngunit ang mga guro ay
isa sa mga nagging parte n gating buhay. Malaki ang ginampanan nilang papel sa
pag-abot ng ating mga nais marating.
Ang pagharap sa mga
estudyante ay isang malaking hamon sapagkat hindi lahat ay madaling turuan,
hindi lahat ay mabait at sumusunod sa alituntunin. Maraming estudyante ang mas
inuuna ang pagbubulakbol kaya nahihirapan ang mga guro na disiplinahin ang mga
ito. Dahil sa panahon ngayon, kaunting masasakit na salita ay maaaring bye-bye
lisensya na ang mga guro.
Mahirap harapin ang
responsibilidad ng isang guro dahil may mga guro na malalayo ang inuuwian,
mayroon din namang mga guro na ina sa kanilang mga tahanan, hindi lamang
estudyante ang kanilang responsibilidad din naman silang aasikasuhin. Maraming
guro ang nakararanas nito.
Maraming estudyante na hindi
nakikita ang halaga ng mga guro. Marami ang naging sakripisyo nila tulad ng
oras at enerhiya para lamang tayo ay mapabuti. Dapat ay itatak sa isip na isa
sila sa mga tumutulong sa pagtahak sa mabuting daan.
Ang mga guro ay tulad ng ating
mga magulang, gagawin ang kanilang makakaya para tayo ay mapabuti. Walang guro
ang gusting makita ang kanilang mga estudyante na nasa likod ng rehas o walang
makain dahil sa madilim na daan na kanilang natahak. ‘Wag kalimutan
magpasalamat sa lahat ng guro dahil sa oras ng pangangailangan sila ay nandiyan
para tayo’y tulungan. Pagdating ng panahon, tayo’y magbabalik tanaw at sila’y
ating pasasalamatan.
Comments
Post a Comment