Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo ang
Department of Public Works and Highways (DPWH) na pag-aralan ang pagbuo ng mga
evacuation centers sa mga lugar na madalas tamaan ng bagyo.
“Nakaaapekto sa mga
paaralan ang paggamit sa mga gusaling ito bilang evacuation center tuwing may
tumatamang bagyo”, giit pa ni Duterte.
Karamihan sa mga lugar na madalas daanan ng bagyo, ayon kay
duterte, ay nasa silangang bahagi ng bansa, kagaya lamang ng mga lalawigan
sa Samar at Leyte.
Sa huling tala nitong Lunes, nasa 30 katao ang naiulat na
nasawi bunsod ng pananalasa ni Ompong. Karamihan sa mga namatay ay mula sa
Cordillera region dulot ng landslide at pagguho ng lupa.
“I share the grief of those who have lost their love ones’’,pahayag ni Duterte
bilang pakikiisa sa pagluluksa ng mga namatayan sa Ompong.
Comments
Post a Comment