Ngiting Pinoy: Bagong Pag-asa
Bawat taon bagong pag-asa ang nabubuo, bagong bukas ang haharapin, isa ang bansang Pilipinas sa mga dinadayo ng iba't ibang kaamidad bawat taon. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mahigit 18-20 bagyo ang dumadayo sa bansa taon taon. Maraming magagandang tanawin ang nasisira dulot iba't ibang kalamidad mga ngiti ay napapawi sa mga labi na bakas ng kalungkutan.
Simbolo ng mga ngiti ng mga Pilipino ang hindi pagsuko sa anumang hinagpis ng kahapon at paninindigan na hindi mapatitibag sa kahit anong dulot ng kalamidad ang dadaan. Aahon sa mapapait na pinagdaan kung kinakailangan.
Tinaguriang "waterproof" ang bansang Pilipinas dahil parang wala itong mahadping pinagdaan at sa taglay na lakas na loob na labanan ang mga darating at papadating na mga pagsubok. Sapagkat pinapakita nila na kahit mahirap na ang sitwasyon ay hindi solusyon ang pagsuko sa mga problemang umaabang sa kanila hindi ganyan ang mga Pinoy.
Sa iyong pagmamasid ay masisilayan mo ang mga ngiti sa mga labi ng bawat isa na kung saan ay sumisimbolo na kahit ano ang mga suliranin na nagiging hadlang sa buhay nila ang mga ngiting ito ay maaaring nakakaawa tignan pero sa likod nito ang nagsasabi na "Sama sama tayong aahon!" bakas na hindi mabibili ng kahit anong yaman ang mga kaligayahang nagbabakas sa mga labi ng Pinoy.
Ang pagiging positibo ng mga Pilipino ay lumalabas sa mga panahon na sa tingin ng iba ay hindi nila kakayanin. Sapagkat maraming namamangha sa kanila dahil hindi sila sumusuko ng hindi lumaaban. "Its runs from the blood" ika nga ng iba na ang mga Pilipino ay lalaban at lalaban hanggang sa katapusan.
Palibhasa'y ang mga Piipino ay hindi mapapatumba ng kahit anong problema ang darating sila ay may paninindigan sa buhay at patuloy na babangon para sa makapanibagong bukas.
Comments
Post a Comment